Matapos ang ilang araw na malakas na ulan dala ng shear line, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang 10th Infantry (Agila) Division katuwang ang PDRRMO Davao de Oro.
Sa pamamagitan ng aerial survey, tinutukan ang mga apektadong bayan sa Davao de Oro, gi ng Agusan del Sur at Davao del Norte, upang masuri ang pagbaha, tulay, kalsada, at mga lugar na posibleng tamaan ng landslide.
Layunin ng operasyon na matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon para sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Courtesy: 10ID/facebook
#PilipinasToday
#Mindanao
#DavaodeOro
#AgusandelSur
#DavaodelNorte